More Than 200 Jobseekers Join Filipino Academy Job Summit
22 December, 2025
Mahigit 200 aplikante ang lumahok sa Filipino Academy Job Summit, na naglalayong magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino sa UAE.
UAE — December 2025 — Mahigit 200 aplikante ang dumagsa sa Filipino Academy Job Summit, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong tulungan ang mga Pilipino sa UAE na makahanap ng trabaho at mapalawak ang kanilang kaalaman pagdating sa career development at professional growth.
Ang job summit ay nagsilbing platform para sa direktang koneksyon sa pagitan ng mga jobseekers, recruiters, at industry professionals. Iba’t ibang oportunidad sa trabaho, career pathways, at skills development programs ang ipinakilala sa mga dumalo, na karamihan ay naghahangad ng mas matatag na trabaho at mas malinaw na direksyon sa kanilang propesyon.
Bukod sa job matching, tampok din sa summit ang career talks, guidance sessions, at motivational discussions na layong ihanda ang mga aplikante hindi lamang sa pagkuha ng trabaho kundi pati sa pangmatagalang career growth sa UAE.
Marami sa mga dumalo ang nagpahayag ng pasasalamat sa Filipino Academy sa pagbibigay ng isang ligtas at organisadong espasyo kung saan maaaring makapag-network, makapagtanong, at matuto mula sa mga eksperto sa iba’t ibang larangan.
Ang matagumpay na job summit na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Filipino Academy na suportahan ang Filipino community sa UAE sa pamamagitan ng edukasyon, employment opportunities, at empowerment initiatives.
Ang coverage na ito ay bahagi ng #PinoyHeadlines, na patuloy na nagha-highlight ng mga kwento at inisyatibang may positibong epekto sa buhay ng mga Pilipino sa ibayong-dagat.
— Via TPNC Pinoy Headlines